^

PSN Palaro

Malalaking laban puntirya ni Peñalosa

-

Big names. Big fights. Big Money.

 Ito ang gustong makuha ng 35-anyos na si Filipino world bantamweigth champion Gerry Peñalosa bago ito magretiro para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

 Matapos ang matagumpay na pagdedepensa kay Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin via eight-round TKO noong Abril 6, ang pakikipagsagupa ni Peñalosa kay Mexican Abner Mares ang pinaplantsa ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.

 “Gusto ko namang kumita para sa future ng mga anak ko at tsaka maging stable ‘yung pamilya ko,” ani Peñalosa, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist, sa kanyang plano. “Kapag stable na ang pamilya ko, tutulong na lang ako sa mga boksingerong aakyat sa professional.”

 Kontra kay Mares, sinabi ni Peñalosa na ang kanyang matayog na depensa ang mananaig sakali mang matuloy ang kanilang laban ng 22-anyos na Mexican fighter. 

Wala rin sa kanyang ‘radar’ ang pangalan ni Mares, nagpatulog kay Filipino Diosdado “The Prince” Gabi sa second round ng kanilang WBO North American Boxing Organization (NABO) bantamweight championship noong Marso 15 sa undercard ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

 Kabilang sa mga nais makaharap ng tubong San Carlos City, Cebu ay sina WBO super bantamweight king Daniel Ponce De Leon, World Boxing Council (WBC) king Israel Vasquez at ang utol ni Marquez na si Rafael Marquez.

 “Kung meron man akong mga boxer na gusto kong makalaban bago ako magretire, ito ay sila Ponce De Leon, Vasquez at Marquez,” ani Peñalosa. (RC)

BIG MONEY

DANIEL PONCE DE LEON

FILIPINO DIOSDADO

GERRY PE

GOLDEN BOY PROMOTIONS

ISRAEL VASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with