Falcons namayagpag

Pinanatili ng Adamson ang kanilang composure at sumandal kay guest player Neriza Bautista sa third set upang hatakin ng Lady Falcons ang impresibong 25-22, 25-21, 25-23 panalo laban sa pinapaborang  San Sebastian para makopo ang solo lead sa Shakey’s V-League Season 5 na nagpatuloy sa The Arena sa  San Juan kahapon.

Sinagasaan ni Bautista ang depensa ng SSC sa pamamagitan ng kanyang power hits sa pagbangon mula sa 1-8 deficit at iposte ang two-point sa third set at kumpletuhin ang panalo ng San Marcelino-based  team laban sa three-time NCAA champions.

“Bautista’s game has been improving as we go along, especially her powerful spikes that our rivals have difficulty reading,” ani Adamson coach Dulce Pante.

Nagtala si Bautista ng 19 kills, karamihan nito ay sa kanilang third set rally para sa kanyang 20-point performance para sapawan ang kanyang counterpart na si Suzanne Roces, nagkamit ng service error, tabla ang iskor sa 23-all sa third bago ipinanalo ito ni Angela Benting para sa Adamson sa pamamagitan ng kill.

Ikatlong sunod na panalo ito ng Adamson na naiwang nagsosolo sa itaas habang nalaglag ang Baste sa 2-1.

Idiniliber naman nina Denise Acevedo at Ma. Rosario Soriano ang huling dalawang puntos para sa Ateneo upang itakas ang 23-25, 25-17, 23-25, 25-10, 15-13 panalo laban sa Far Eastern U Tams na nagkaloob sa kanila ng solong ikalawang puwesto taglay ang 3-1 record.

Show comments