^

PSN Palaro

Pera lang ang habol ni Marquez — Roach

-

Hindi ang pagbawi sa kanyang world super featherweight crown ang prayoridad ng Mexican fighter na si Juan Manuel Marquez kundi ang malaking perang kanyang kikitain sa oras na pumayag si Filipino boxing hero Manny Pacquiao para sa isang ‘trilogy’.

Ayon kay American trainer Freddie Roach, halos lahat ng boksingero ngayon ay hinahabol ang 29-anyos na si Pacquiao, kumita ng halos $6 milyon sa rematch kay Marquez, para sa prize purse.

“Everyone wants to fight Pacquiao now because he’s the money guy,” wika ni Roach. “He’s making a lot of money that’s why Marquez wants to fight him. That’s the truth. He wants the big payday.”

Mula sa Mexico City, dumayo ang 34-anyos na si Marquez sa Pilipinas para personal na hamunin si Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) super featherweight king, sa isang ‘trilogy’.

Isang split decision ang nakuha ni Pacquiao sa kanilang rematch ni Marquez noong Marso 15 para angkinin ang WBC super featherweight belt matapos ilusot ng Mexican ang kontrobersyal na draw sa kanilang unang paghaharap noong Mayo 8 ng 2004.   Ngunit bago ang ikatlong laban kay Marquez, ang paghahamon muna sa 31-anyos na si David Diaz para sa suot nitong WBC lightweight title ang uunahin ni Pacquiao sa Hunyo 28.

“Kung ready siya, ready rin naman ako. Pero uunahin ko muna si Diaz. Isa-isa lang muna. Huwag siyang mag-alala at hindi ko siya paghihintayin ng apat na taon katulad ng ginawa niya sa akin,” ani Pacquiao.

Nakatakdang umalis bukas si Marquez kasama ang kanyang adviser na si Jaime Quintana ng Romanza Boxing Promotions. (RCadayona)

vuukle comment

DAVID DIAZ

FREDDIE ROACH

JAIME QUINTANA

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MEXICO CITY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with