^

PSN Palaro

May misyon si Vorapin

-

Dumayo sa Pilipinas si Thai challenger Ratana-chai Sor Vorapin para ba-wiin ang dating suot niyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown na taglay ngayon ni Filipino warrior Gerry Peña-losa. 

Matatandaang nakuha ng 31-anyos na si Vorapin ang naturang WBO bantamweight title mula sa isang unanimous decision kay Mexican Cruz Carba-jal noong Mayo 7 ng 2004 bago ito inagaw ni Mexican Jhonny Gonzales noong Nobyembre 29 ng 2005 via 7th round TKO.

“I came here to beat Gerry Peñalosa ang reclaim my title,” sabi kaha-pon ni Vorapin sa kanilang rematch ng 35-anyos na si Peñalosa sa Linggo sa Araneta Coliseum. “I’m confident that I will be able to take the title to Thailand.”

Matapos maagaw ng 26-anyos na si Gonzales kay Vorapin ang WBO bantamweight belt, inangkin naman ito ni Peñalosa mula sa isang 7th round TKO noong Agosto 11.

Ibabandera ni Peña-losa ang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs, samantalang dadalhin naman ni Vorapin ang 71-9 (47 KOs) slate sa kanilang ikalawang pag-tatagpo.

Tinalo na ni Peñalosa si Vorapin via sixth round TKO noong Nobyembre 25 ng 2000 sa Casino Filipino Am-phitheater para mapanatili ang World Boxing Council (WBC) International super flyweight title.

“Ayoko nang matalo ulit at mawala pa sa akin itong hawak ko ngayong WBO bantamweight title kaya talagang sisiguruhin kong ako ang mananalo,” wika ni Peñalosa, ang dating WBC super flyweight titlist. “Kung napabagsak ko siya sa sixth round noong 2000, ngayon hindi na siya aabot ng sixth round.”

Sakaling matagumpay na maidepensa ang kan-yang WBO bantamweight crown kay Vorapin, isang rematch kay WBO super bantamweight ruler Daniel Ponce De Leon ng Mexico ang posibleng itakda ng Golden Boy Promotions, ayon kay vice-president at international matchmaker Eric Gomez. (RCadayona)

ARANETA COLISEUM

CASINO FILIPINO AM

DANIEL PONCE DE

GERRY PE

PLACE

VORAPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with