^

PSN Palaro

Hapee na bawi pa

-

Nakabawi ang Hapee Toothpaste sa Noosa Shoes sa pamamagitan ng 96-80 panalo sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa  The Arena sa San Juan kagabi.

Nagposte sina Jervy Cruz at Mark Borboran ng tig-18 points sa paghihiganti ng Complete Protectors sa masaklap na 76-77 pagkatalo sa Shoe Kings sa kanilang unang pagkikita.

Sa first half pa lang may pinagsamang 27-puntos na sina Cruz at Borboran tungo sa ika-anim na panalo ng Hapee habang nalaglag naman ang Noosa sa 3-5.

Samantala, sa unang salang ni Eric dela Cuesta para sa San Mig Coffee, umiskor ito ng free throw at pinuwersa niya ang Pharex Medics na magturnover sa sumunod na play para maitakas ng Coffee Kings ang 78-77 sa first game.

Umangat ang San Mig sa 3-5 at nalaglag ang Pharex sa 5-4.

COFFEE KINGS

COMPLETE PROTECTORS

HAPEE TOOTHPASTE

JERVY CRUZ

LIPOVITAN AMINO SPORTS CUP

MARK BORBORAN

NOOSA SHOES

PHAREX MEDICS

SAN JUAN

SAN MIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with