Swak si Parada sa Red Bull
Isang epektibong import si Adam Parada para kay coach Yeng Guiao ng Red Bull.
At siya ang kailangan ng Bulls na nakatakdang humarap ngayon sa Air21 sa pagpapatuloy ng PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Tangka ng Red Bull ang ikalawang sunod na panalo sa alas-7:20 ng gabing sagupaan pagkatapos ng paghaharap ng Talk N Text at Welcoat sa alas-4:50 ng hapon.
“He’s not a flashy, spectacular import. But he’s effective, terribly effective import. And he plugs the hole in the doughnut,” ani Guiao sa produkto ng
Tumapos si Parada ng 28 puntos, 21 rebounds at 5 shotblocks sa 89-83 panalo ng Bulls saGinebra Gin Kings noong Linggo.
“He makes good decisions. He doesn’t take bad shots and he works hard off the boards. That’s exactly what we need because rebounding has become our weakest stat since the last conference,” ani Guiao.
Makakatapat ni Parada sa Express si Steve Thomas na kumolekta ng 24 marka, 15 boards at 1 shotblock sa kanilang 105-96 paggiba sa Dragons noong Linggo din.
Sa unang laro, tangka naman ng Phone Pals, babanderahan ni Aaron McGee at ang Dragons, sasandal naman kina Jason Keep, Corey Santee, na makabangon sa kanilang opening game loss.
- Latest
- Trending
















