Simula na ang pagdedepensa ng RP-Harbour Centre

JAKARTA -- Magsisimula na ang kampanya ng Harbour Centre-RP Team ngayon sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Club Championships sa pakikipagharap sa bigating Thailand sa Britama Arena.

Ang opening game ng Nationals una sa tatlong sunod na araw na schedule nila ay isang rematch ng kanilang paghaharap sa Southeast Asian Games para sa gold medal na nakopo ng bansa noong nakaraang December. Tinalo ng Philippines ang Thais, 94-53.

Tangka ng Harbour Centre-Philippine Team ang ikalawang sunod na panalo sa Thais  sa alas-4:00 ng hapong sagupaan, Manila time.

Walang import ang Thailand habang ang RP Squad ay pinalakas nina Sam Ekwe at Marc Le-Blanc, parehong 6-foot-8.

“We’re just going to play hard (against Thailand),” pahayag ni coach George Gallent. “We’re going to play them as if they have two imports.”

“I’m ready to do whatever it takes to win,” ani LeBlanc, produkto ng University of Connecticut.

Pangungunahan naman nina playmakers Jason Castro at TY Tang ang mga locals.

“We’ll put a premium on guard play,” sabi ni Gallent. “We’ll basically do the things we’re used to doing in the (PBL), which is to emphasize ball pressure. This means we’re going to maximize the strengths of Jason and TY.”

Show comments