Adamson nakaligtas sa Lyceum

Natigilan ang Adamson sa isang punto ng laban ngunit nagawa pa rin nilang igupo ang Lyceum sa straight sets, 25-17, 25-23, 25-18, kahapon para sa magandang simula ng kanilang kampanya sa Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan City.

Nagbida si guest player Neriza Bautista sa pagposte ng 14 points, kabilang ang 12 kills, at sumuporta naman si Rissa Jane Laguilles sa kanyang10 attacks para sa 13-point performance para sa Lady Falcons.

Nasapawan sila ng Lyceum tandem nina Beverly Boto at Dahlia Cruz, na may pinagsamang 29 points ngunit nakakuha ang Adamson duo ng suporta mula kina Michelle Segodine at Angela Benting, na may tig-9 points, at tig-7 points naman sina Jacqueline So at Janet Serafica.

Naisalba naman ng Far Eastern U ang 25-17, 24-26, 21-25, 25-18, 15-9 panalo sa St. Benilde sa second game.

Sa pagkawala ng tatlong key players, sumandal ang Lady Tams kina Irish Morada, Mary Rose Cabanag Cherry Vivas na may pinagsamasamang 53-puntos upang makaligtas sa mahigpit na hamon ng Blazers.

Show comments