Magde-debut ngayon si Enrico Villanueva para sa kanyang bagong team na Purefoods sa pakikipagharap sa Magnolia Beverage sa tampok na laro ngayon sa 2008 PBA Fiesta Conference na magsisimula sa alas-7:20 ng gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Ang Giants at Beverage Masters ay kabilang sa blockbuster four-team, five-player trade ilang araw bago magsimula ang kumperensiya.
Isasalang naman ng Magnolia si Chester Tolomia na nakuha nila sa trade mula sa Coke.
Bukod kay Villanueva, kikilatisan din ang import ng Purefoods na si 6’8 import Darius Rice, apat na taong nanguna sa scoring para sa University of Miami sa US NCAA at gumiya sa Dakota Wizards sa paghahari sa National Basketball Association Developmental League (NBDL).
Ang 30-anyos namang si 6’11 Jameel Watkins na kumampanya para sa Shell Turbo Chargers noong 2005 Fiesta Conference ang pambato ng Magnolia.
Sa unang laro, ipaparada naman ng Realtors si 6’11 Wesley Wilson, pumalit kay Watkins sa Turbo Chargers noong 2005 sa alas-4:50 ng hapong pakikipagsagupa sa Alaska na pangungunahan naman ni dating Talk ‘N Text reinforcement Randy Holcomb ng Aces.
Magde-debut din sina LA Tenorio at Larry Fonacier na nakuha nila mula sa Magnolia kapalit sina Mike Cortez at 6’5 Ken Bono.
Ang Air21, Coca-Cola at Red Bull ay may tigitig-isa nang panalo matapos manaig sa kanikanilang opening games. (MB)