^

PSN Palaro

Okay kaya si Cage?

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Matindi nga ang Coca-Cola Tigers!

Sa totoo lang, kahit na nilamangan sila ng Talk N Text Phone Pals ng 15 puntos sa first half ng opening game ng PBA Smart Fiesta Conference noong Sabado sa Panabo City, Davao del Norte ay parang hindi naman sila kinabahan.

Kumbaga sa karera ng kabayo, naghintay lang ang Coca-Cola na umabot sa huling kurbada bago bumitiw at iniwanan ang Phone Pals.

Ang lalim naman talaga ng bench ng Coca-Cola. Kung may isang bagay na nahihirapang gawin si coach Binky Favis ngayon ito’y ang balasahin ang kanyang players at gamitin lahat ng puwedeng gamitin.

Aba’y noong Sabado ay nabangko nga sina Kenneth Duremdes at John Arigo - dalawa sa matitinding shooters ng team. Hindi din nagamit si Ricky Calimag. Maikli ang playing time na nakuha ni Mark Clemence Telan.

Aba’y ang mga ito ang siyang mga regulars na ginamit ni Favis noong nakaraang Philippine Cup.

Okay din naman ang naging kontribusyon ng mga man-lalarong ito.

Pero sa kasalukuyang conference kung saan dalawang imports ang puwedeng gamitin ng Tigers, natural na paghaha-tian na lang ng mga locals ang nalalabing tatlong puwesto. Tiyak na “mammoth minutes” ang makukuha ng mga imports!

At iyon nga ang nangyari. Sina Jason Dixon at Calvin Cage ang siyang nagpakitang-gilas sa unang tatlong quarters kung saan nangapa muna sila bago nag-settle down.

Kaya naman nasamantala ito ng Talk N Text na lumayo ng 15 puntos at lumamang ng sampung puntos sa halftime.

Pero pagpasok ng Tigers sa third quarter, parang walang anumang nakagawa ng rally at lumamang ng tatlong puntos sa pagtatapos ng yugto.

At para bang nakaganda pa nga sa kanila na nawala si Cage bunga ng isang injury sa pagtatapos ng third quarter dahil sa sumingasing naman ang mga bagong recruits na sina Nic Belasco at Mark Macapagal na nagpakawala ng tigalawang three-pointers sa fourth quarter upang tuluyang selyuhan ang panalo ng Coca-Cola.

Matindi talaga!

Kahit na anong ballclub ang makatapat ng Coca-Cola ay tiyak na mamumrublema ngayon!

Isang bagay lang muna ang pinangangambahan ng mga Coca-Cola fans. Ano nga ba ang estado ni Cage?

Kasi, kung malubha ang kanyang naging injury, aba’y kahit paano’y daramdamin iyon ngTigers.

Daramdamin din ng management kasi magastos kapag kumuha kaagad sila ng kapalit!

BINKY FAVIS

CALVIN CAGE

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

JOHN ARIGO

KENNETH DUREMDES

MARK CLEMENCE TELAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with