^

PSN Palaro

8-players ng Express nagdeliber

-

Walong players lamang ang natira sa Air21 dahil sa iba’t ibang injuries ng mga players, bukod pa rito, dalawa ang import ng kalaban.

Ngunit isang mahusay na import at kumpletong suporta mula sa mga locals ang naging susi sa 105-96 pananalasa ng Express kontra sa Welcoat para sa buwenamanong panalo sa Smart-PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Araneta Coliseum.

Bumandera para sa Air21 si import Steve Thomas sa kanyang tinapos na 23-puntos at humatak ng 15 re bounds ngunit solidong suporta ang ibinigay nina Ranidel De Ocampo at Arwind Santos na kuma-mada ng 25 at 24 puntos ayon sa pagkakasunod upang humanay ang Express sa opening day winner na Coca-Cola na nangibabaw sa Talk N Text kamakalawa, 87-79 sa Panabo City sa Davao del Norte.

Hindi naasahan ni coach Bo Perasol sina  JC Intal, Gaby Espinas, Homer Se at Ervin Sotto na tinamaan ng injury habang lumarong may tama sa tuhod  si Gary David ng 12-minuto at tumapos ng tatlong puntos.

“My players are walking wounded because may mga players pa akong may injuries na di pa nagheal. But I think we can be better as the conference progress,” ani Perasol.

Sapul noong Phillipine Cup, 12 sunod na talo na ang nalasap ng Dragons na minando ng bagong coach na si Caloy Garcia kapalit ng nagbitiw na si Leo Austria.

Naglalaban pa ang Red Bull at Ginebra habang sinusulat ang balitang ito. (Mae Balbuena)

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

BO PERASOL

BUT I

CALOY GARCIA

ERVIN SOTTO

FIESTA CONFERENCE

GABY ESPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with