^

PSN Palaro

Matira matibay sa Shakey’s V-League

-

Mahigpit ang labanan para sa supremidad sa 1st conference ng 2008 Shakey’s V-League na magsisimula sa Linggo sa The Arena sa San Juan sa pagkawala ng perennial champions University of Santo Tomas at La Salle.

Dahil dito, paborito ang reigning UAAP women’s champion Far Eastern U at ang kanilang NCAA counterpart na San Sebastian  sa fifth season na ito ng liga na hatid ng Shakey’s.

Ngunit may kapasidad na manalo ang anim na teams kabilang ang dalawang Visayan team na University of St. La Salle at ang University of San Jose Recolletos.

“Lahat teams to beat. Kaya nga na-invite yang mga yan sa V-League dahil malalakas ang mga yan. Kaya mahirap magsalita. Hindi porke champion ka ng UAAP, ikaw na agad ang paborito,” ani  FEU mentor Ernesto Pamilar na panauhin sa lingguhang  PSA Forum sa Shakey’s U.N. Avenue branch kahapon.

“Hindi na man tayo playing safe, pero lahat ng teams capable of winning. Kaya depende talaga lahat yan sa ilalaro ng mga players during actual games,” sabi naman ni Sherwin Meneses ng Adamson na dumalo rin sa Forum na suportado ng Shakey’s,  PAG-COR, Accel, Brickroad gym at Aspen.

ERNESTO PAMILAR

FAR EASTERN U

KAYA

LA SALLE

PLACE

SAN JOSE

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with