Ang pagbibigay ng magan-dang training program kay light flyweight Harry Tanamor ang siyang aasikasuhin ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).
Ito, ayon kay ABAP president Manny T. Lopez, ay matapos na ring mabigo sina flyweight Godfrey Castro at lightweight Genebert Basadre na makasun-tok ng Olympic berth sa Olympic qualifying tournament sa Astana, Kazakhstan.
Ang nasabing kabiguan ang nagtulak kay Lopez upang humi-ngi ng paumanhin sa sambayan kahapon
“It is a very sad day for RP boxing! The Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) would like to apologize to the Filipino people for the dismal performance of the five-man RP Boxing team in the qualifying tournament held here in Astana, Kazakhstan,” ani Lopez. “The ABAP realizes its misgivings and will institute reforms in the association.”
Tanging si Tanamor, isang three-time gold medalist sa Southeast Asian Games, ang tanging Filipino boxer na maki-kita sa aksyon sa darating na 2008 Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto.
Kaya naman tiniyak ni Lopez na ibibigay sa 25-anyos na si Tanamor ang lahat ng kakaila-nganin nitong suporta.
“We assure our countrymen that we will work doubly hard in training lone Beijing Olympic Qualifier Harry Tanamor in our quest for Olympic Glory and National Honor!,” wika ni Lopez.
Ang boxing ang sinasabing may pinakamalakas na tsansa para makuha ang unang Olympic gold. (RCadayona)