Mabigat ang laban ng Harbour sa SEABA

Kahit nadagdag si San Beda star Sam Ekwe sa line-up, hindi pa rin ganoon kadali sa Harbour Centre-Philippine team na isubi ang SEABA Club championship.

Una, may balitang ang host Indonesia ay kukuha ng dalawang mabigat na imports sa kanilang ha-ngaring makaganti sa Harbour-RP team sa import-laden annual tournament na magsisimula sa April 3 sa Jakarta.

Kahit nasa team si reinforced  Julius Nwosu at Vidal Massiah, kasama ang ilang PBL stars, na-karanas pa rin ang Har-bour-RP squad ng malaking hamon upang igupo ang Indons sa one-game title showdown noong nakaraang  taon.

Ngayong wala sina Nwosu at Massiah na tatapat sa mga imports ng Indonesia, mabigat ang misyon ng Harbour-RP team.

Kaunti na lamang ang panahon para maghanda at kumontak ng top caliber imports sa United States at Europe, nagdesisyon sina Harbour Centre ow-ner Mikee Romero at ang kanyang kanang kamay na si Erick Arejola na ilagay sa balikat ng PBL line-up kasama si Ekwe ang responsibilidad na ipagtanggol ang korona ng bansa sa tournament na lalahukan din ng Malaysia at Thailand.

Bagamat may tiwala sina Romero at Arejola sa kanilang players, na-ngangamba sila sa ma-giging kapalaran ng team dahil hindi nila alam kung sino ang magiging imports ng Indonesia. Ang Thailand at Malaysia ay inaasahang hindi kukuha ng imports.

Show comments