^

PSN Palaro

Bobby bagsak sa Round 1

-

LAS VEGAS -- Maiksing oras lang ang kinailangan ni undefeated Urbano Antillon para maknock out si Bobby Pacquiao sa unang round ng kanilang lightweight bout nitong Miyerkules dito sa Hard Rock Hotel and Casino.

Agad umatake si Antillon, umangat sa 22 wins na may 14 KOs, na kumunekta sa ulo at katawan ni Pacquiao, sa ikalawang minuto ng labanan, malinaw na kung sino ang panalo.

Sinikap makabangon ni Pacquiao, nakababatang kapatid ng Pinoy boxing superstar na si Manny Pacquiao, laban sa Maywood, California native ngunit dahil sa ilang tama ng uppercuts, hilo na ito.

Tumanggap pa si Pacquiao, lumasap ng ika-15 talo sa 45 fights, ng ilang suntok sa ulo, isang malakas na hook sa kanang bahagi ng katawan at bumagsak.

Napaluhod ang 27-gulang na Pinoy sa corner ni Antillon, namimilipit sa sakit.

Umabot ang bilang ni referee Joe Cortez sa 10. Nanatiling nakaluhod si Pacquiao na nakatukod ang kamay, ng mahigit isang minuto bago ito tinulungang tumayo ng kanyang cornermen na sina Nonoy Neri at Eric Brown, at pinaupo sa tool kung saan di siya natinag.

Natapos ang laban sa 2:49 mark ng opening round.

Binigyan naman ni Ana “The Hurricane” Julaton, ang Filipina based sa Daly City, ng karangalan ang bansa sa pamamagitan ng unanimous victory laban kay Clara dela Torre ng Santa Fe, Mexico.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pinay super-bantamweight na nagsasanay din sa Wild Card Gym at ang isa pang Pinoy na lumaban na si  featherweight Ernel Fontanilla ay nagkasya sa draw laban kay Manuel Zarabia.

“It may be hard for him to get another fight in the US. But if he wants, maybe he can still fight in some other countries like Japan,” wika ng promoter na si Wakee Salud.

Papanoorin sana ni Manny ang laban ng kapatid ngunit atrasado siyang nagsimula ng workout kaya nagdesisyon na lamang itong panoorin ang laban sa loob ng kanyang kuwarto. (ACordero)

ANTILLON

BOBBY PACQUIAO

CITY

PACQUIAO

PINOY

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with