Pharex matindi ang epekto

Bumandera sina Glenn Bolocon, Neil Ra­neses at JP Alcaraz ng 19, 18 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod, para igiya ang San Mig Coffee sa 86-68 tagumpay kontra sa Noosa Shoes sa pag-usad ng elimination round ng 20­08 PBL Lipovitan Amino Sports Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nalasap naman ng Hapee Toothpaste ang ikalawang sunod na talo nang  bumandera si Don Villamin  sa paghakot ng 15-puntos, 8-rebounds at 8-assists para tulungan ang Pharex sa 100-96 panalo sa ikalawang laro.

Umangat ang Medics sa 4-1 rekord para sumegunda sa nagdedepensang Har­bour Centre Batang Pier (4-0) na walang lar ngayon.

Nalaglag ang Complete Protectors  sa 3-2 katabla ang Burger King (3-2) at ang Coffee Kings na naglista ng kanilang ikalawang sunod na panalo habang bumagsak ang Shoe Stars sa 2-2 kartada.

Itinala ng Pharex ni Ca-rlo Tan ang 92-83 abante sa 4:04 ng final canto mula sa dalawang sunod na basket ni Villamin bago nakadikit ang tropa ni Louie Alas sa 90-94 agwat sa 2:19 nito buhat sa follow up ni Jervy Cruz.

Sinamantala ng San Mig ni Koy Banal ang pagiging kum­piyansa ng Noosa ni Leo Isa­ac para sa kanilang two-game win­ning run.

Show comments