^

PSN Palaro

Peñalosa matindi rin ang training para sa kanyang title defense

-

Katulad ng kanyang kumpareng si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, nasa maigting ring pagsasanay si Gerry Peñalosa para sa kanyang kauna-unahang title defense sa Abril 6 sa Araneta Coliseum.

Mula sa kanyang text message, sinabi ng 35-anyos na si Peñalosa na sinasabayan niya ng training ang 29-anyos na si Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym.

“Okay naman, kahit papaano nakakasabay ako kay Manny sa training para sa fight ko sa April 6,” sabi ni Penalosa.

Idedepensa ng kaliweteng si Peñalosa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt laban kay Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin.

Inagaw ni Peñalosa ang nasabing WBO bantamweight crown sa 25-anyos na si Mexican Jhonny Gonzales mula sa isang eight-round TKO noong Agosto 11 sa Sacramento, California.

Ibabandera ni Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), ang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs.

Dadalhin naman ng 31-anyos na si Vorapin, nasa isang seven-fight winning streak makaraang makatikim ng isang seventh-round TKO kay Gonzales noong Nobyembre 29, 2005,  ang 72-9-2 (48 KOs). (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

GERRY PE

MEXICAN JHONNY GONZALES

RATANACHAI SOR VORAPIN

RUSSELL CADAYONA

WILD CARD BOXING GYM

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with