^

PSN Palaro

PhilCycling sang-ayon sa desisyon ng PSC

-

Sumang-ayon ang Phil-Cycling sa desisyon ng Philippine Sports Commission (PSC) na suspindihin ang financial assistance sa federation hangga’t ‘di natatapos ang imbestigasyon sa diumanoy iregularidad sa pag-bili at pamimigay ng bisikleta, mga gamit at ibang equipment para sa 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand, noong December.

Sinabi ni PhilCycling president Bert Lina na karapat-dapat lamang na ang PSC na magdesisyon ng suspension dahil pera ng ahensiya ang ginamit sa pagbili ng mga gamit ng mga siklista.

May isang grupo ng siklista ang nagreklamo ng diumano’y anomalya na nasa Ombudsman na.

Lumabas ang mga cyclists sa telivision at humingi ng tulong sa print media at radio bago nagsampa ng kanilang reklamo sa Ombudsman. Ang mga grupong dating kumakalaban sa PhilCycling ay nakikiisa na rin.

Gayunpaman, sinabi ni Lina na sa kasamaang palad, maaaring makansela ang mga foreign competitions ng mga siklista na kinabibilangan ng Polygon Tour de Jakarta sa March 23 sa Indonesia,  Asian Cycling Championships  sa April sa Nara, Japan at Asian Mountain Bike Championships sa Nepal.

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAMPIONSHIPS

BERT LINA

GAYUNPAMAN

NAKHON RATCHASIMA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

POLYGON TOUR

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with