Hapee, Pharex hangad makisosyo sa liderato
Hangad ng Hapee Toothpaste at Pharex na makisalo sa pangu-nguna sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban habang magde-debut naman ngayon ang Nokia Philippine Youth sa pagpa-patuloy ng aksiyon sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa San Juan.
Sasagupain ng Hapee ang Bacchus Energy Drink sa alas-2:00 ng ha-pon at haharapin naman ng Pharex ang Toyota Otis sa alas-4:00 ng hapon.
Parehong nanalo ang Complete Protectors at Pharex sa kanilang unang game at hangad nilang saluhan sa liderato ang defending champion Har-bour Centre na kasaluku-yang nagsosolo sa liderato.
Inaasahang babande-ra sa Hapee si Mark Bor-boran at Fil-Am Gabe Norwood
Sumandal naman ang Medics kina Emer Oreta at Ronnie Matias upang igupo ang Bacchus Raiders, 86-83.
Masusukatan naman ang Nokia RP Youth na nagsasanay para sa malalaking international events sa Burger King sa alas-12:00 ng tanghali bilang pampagana.
Inaasahang mangu-nguna sa RP Youth Team sina Gabriel Banal at Jeric Teng na anak ng mga dating professional basketball players na sina Alvin Teng ng San Miguel at Joel Banal na dating lumaro sa Great Taste at ngayon ay assistant coach na sa Alaska.
Bagamat bata pa ang RP Youth, ayaw maging kumpiyansa ni coach Allan Gregorio ng Burger King.
“The RP team is very talented so we have to prepare for its deadly run and gun game.”
Nakabangon ang Whoppers sa 73-63 pag-katalo sa Noosa Shoes matapoos igupo ang San Mig Coffee sa overtime, 73-67 sa tulong nina Mar-cy Arellano, Abby Santos at Khiel Misa. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending