Harbour Centre, Noosa mag-uunahan sa 2nd win

Paglalabanan ng defending champion Har-bour Centre at come-backing Noosa Shoes, ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang naka-takdang sagupaan sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Emilio Aguinaldo College gym sa Manila.

Kapwa nagtagumpay ang mga Batang Pier at Shoe Stars noong opening day at kahanay nila sa 1-0 record ang Pharex at Hapee Toothpaste na pareho namang nanalo kamakalawa.

Ipinaramdam ng Harbour Centre ang kani-lang lakas matapos pasadsarin ang San Mig Coffee Kings, 85-77, habang nagtala naman ang Noosa, dating Blu Detergent ng malaking upset matapos igupo ang bigating Burger King Whoppers, 73-63.

Nakatakda ang sagu-paang ng Port Masters at Shoe Stars sa pambu-ngad na laban sa alas-2:00 ng hapon na susun-dan ng sagupaan ng San Mig Coffee at Burger Kung na parehong nais makabawi sa kanilang opening day loss.

Sa likod ng tagumpay ng Harbour Centre, hindi lubos ang kasiyahan ni coach Jorge Gallent  na nadismaya sa depensa ng kanyang mga bata sa first half ng kanilang laban.

“Good thing, they picked up enough steam in the fourth that’s why we were able to pull away,” ani Gallent. “They (Batang Pier)  played only 60 to 70 percent of their potential, so I hope we can improve it a little bit.”

Pambato ni Gallent sina  TY Tang, Al Vergara, Boyet Bautista, Sol Mercado at Jason Castro, forwards Jeff Chan at Chad Alonzo at center Beau Belga ngunit ayaw nitong maging kumpin-yansa laban sa Shoe Stars  na pangunguna-han naman nina  Jemal Vizcara, at Allan Evange-lista.

Umiskor si Bonbon Custodio ng 23 points bago ito inilabas ng court nang makabanggaan nito si Jason Castro ng Har-bour Centre sa fourth quarter. Inaasahang mu-ling babandera si Cus-todio katulong sina Leo Losentes at veteran Neil Raneses.

“He’s OK now,” ani San Mig Coffee coach Koy Banal.

Mangunguna naman sa Whoppers ni coach Allan Gregorio  sina Marcy Arellano, Mike Bravo, Nestor David at Kiel Misa dagdag sina Woody Co at reigning NCAA MVP Kelvin dela Peña. (Mae Balbuena)

Show comments