Triple treat para sa PBL fans ngayon
Walang masamang dugo sa pagitan ng Toyota Otis at ni bagong Hapee coach Louie Alas.
Ngunit inaasahan ang mahigpit at kapana-panabik na aksiyon sa pagkukrus ng landas sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa
Nakatakdang magtipan ang Toyota Otis Sparks at Hapee Complete Protectors sa ganap na alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan ng Pharex at Bacchus Energy Drink sa ganap na alas-2 ng hapon.
Masisilayan din ang pagdedebut ni UAAP MVP Jerby Cruz para sa Hapee Toothpaste at inaasahang hahatak ng malaking atensiyon dahil tinatagurian ngayon ang 6’5 player ng UST bilang susunod na importanteng player ng liga.
Magiging triple treat para sa PBL fans ang eksena kung saan darating para manood ng laro ang naggagandahang kandidata ng Bb. Pilipinas beauty pageant.
Ang magwawagi sa dalawang laro ay makakasama ang opening day winners na Harbour Centre at nagbabalik na Noosa Shoes sa liderato.
Sa isang maningning na pagpapakita ng laro, dinimolisa ng defending champion Harbour Centre ang San Mig Coffee, 85-77 habang sinorpresa naman ng nagbabalik na Noosa Shoes ni Dioceldo Sy ang Burger King, 73-63.
Si Alas, na gumiya sa Letran sa NCAA, ay hinawakan ang Toyota Otis sa loob ng tatlong taon sa liga kung saan nadala niya ito sa runner-up finish sa naturang torneo may dalawang taon na ang nakakalipas.
Bukod kay Cruz, sasandalan din ng Hapee sina Fil-Am Gabe Norwood, Mark Borboran, Larry Rodriguez at Reed Juntilla.
Sa kanyang pagbabalik matapos ang bakasyon sa Amerika, nangako ang 6’5 na si
- Latest
- Trending