^

PSN Palaro

Fans ni James galit kay Yeo

SPORTS - Dina Marie Villena -

Maraming Purefoods fans ang nagagalit dahil sa pagkakasuspinde ni James Yap na bunga ng ‘flagrant foul’ niya kay Joseph Yeo ng Sta. Lucia.

Ayon sa mga fans ni James, mas nauna daw si Yeo sa panghaharass at paniniko kay James pero bakit hindi daw yun nakita?

O well, hindi ko napanood ang nasabing game, pero alam naman natin na kung nagkakasakitan man ang players sa loob ng court, nagkakapitikan man o nagsisikuhan, binabalewala ng ibang referees dahil bahagi na nga ata ito ng laro.

Sa kaso ni James, nakita ang kanyang pagganti kaya hayun, natawagan siya at nasuspinde at pinagmulta pa.

At kasunod nito, kasabay din niyang nagserve ng suspension si Yeo dahil sa paghampas naman sa mukha ni Noy Castillo.

Sa ganang akin, tao lang si James at nasasaktan din. Ang problema nga lang nakita ang kanyang pagganti. Pero makikita at maoobserbahan talaga natin kung gaano ka-rough maglaro si Yeo. Hindi nga ba’t nakaaway na rin niya si Enrico Villanueva sa isang exhibition game?

Hiling ng ibang fans na bigyan pansin o pagtuunan ng mga reperi si Yeo tuwing may laro ito dahil ‘unfair’ para sa ibang players na nakitang gumanti pero hindi nakita ang pagkanti ni Yeo sa kanila.

Ganun talaga!

* * *

Sa puntong ito, humakot ng fans si Yeo!

Yung nga lang, fans na galit sa kanya at hindi humahanga! He he he!

Asahan marami pang Purefoods players ang masasaktan lalo na bukas na crucial para sa Sta. Lucia dahil kapag nagwagi sila kampeon na ang Realtors. 

vuukle comment

ASAHAN

ENRICO VILLANUEVA

JAMES YAP

JOSEPH YEO

MARAMING PUREFOODS

NOY CASTILLO

YEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with