Nagbunga ang mga paghihirap ni Williams
Ang mahusay na pagdadala ng Fil-Am na si Kelly Williams sa Sta. Lucia Realty ay nagbunga.
Pinarangalan ang American forward na si Williams bilang Best Player of the Conference ng 2007-2008 PBA Philippine Cup kahapon.
Naging runaway winner ang 6-foot-7 na si Williams sa kanyang kabuuang 1,393 statistical points para sa karangalan.
“It’s really a great honor winning this Best Player of the Conference award. But I wouldn’t won it without the support of my teammates,” wika ng tubong
Si Williams , galing sa Oakland University sa Detroit ay sixth placer sa scoring mula sa kanyang 18.0 average at fourth placer sa rebounding sa kanyang 11.2 average.
Naglista si Williams ng anim na double-double sa kumperensiya.
Ang pinakamahigpit nitong kalaban sa naturang award ay sina two-time Most Valuable Player Willie Miller ng Alaska na inaaasahang ang karangalang ito at Kerby Raymundo na nagkasya lamang sa 878 at 810 puntos ayon sa pagkakasunod.
Inaasahang magiging inspirasyon ito para kay Williams para tulungan ang Sta. Lucia na kunin ang 3-1 kalamangan sa best-of-seven serye kontra sa Purefoods sa Game-Four na nilalaro kagabi habang sinusulat ang balitang ito.
“This will mean nothing if we will not win the championship,” ani Williams, miyembro ng San Miguel-Pilipinas ni coach Chot Reyes na sumabak sa 2007 FIBA-Asia Men’s Championship sa Tuko-shima, Japan.
Ang iba pang contender ay sina Arwind Santos na mayroon lamang 413 puntos at Asi Taulava ng Coca-Cola na may 390 sps. points.
Si Williams ang tinanghal na Rookie of the Year noong nakaraang season. Naging susi din ito sa tagumpay ng Magnolia Wizards ni Koy Banal sa Philippine Basketball League (PBL) noong 2005.
- Latest
- Trending