^

PSN Palaro

Espiritu, Valenzuela sali sa Tour de Jakarta

-

Babanderahan nina Victor Espiritu at Irish Valenzuela ang national road cycling team na lalahok sa Polygon Tour de Jakarta sa Jakarta, Indonesia sa Marso 23.

Makakasama nina Espiritu at Valenzuela sina Lloyd Lucien Rey-nante, Ronald Gorrantes at Warren Davadilla sa isang araw na karera na kinapapalooban ng 170-km. na ta-tampukan din ng mga national squads mula sa Asya at Southeast Asian regions, maging ng mula sa continental teams ng Europe.

Ito rin ang  RP riders na nanguna sa Tour de Thailand noong nakaraang Disyembre. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagwagi ang Philippine road team ng multi-stage competition sa labas ng bansa.

 May 17 koponan, kabilang na ang mula sa  Europe, ang lumahok sa Thailand, pero kumpiyansa ang RP squad, na igigiya ni Jomel Lorenzo kasama sina Renato Dolosa at Dindo Quirimit bilang assistants na magka-kampeon at tatalunin ang powerhouse Japanese continental squad.

 Ang nabanggit na  performance ang pumukaw ng atensiyon sa Asian cycling community kaya naman nag-padala ng imbitasyon ang Indonesian Cycling Federation sa pamamagitan ni Secretary General Sofian Ruzlan, na imbitahan ang koponang nagwagi sa Thailand para lumahok sa Polygon Tour de Jakarta.

 Naimbitahan din ang 20 anyos na si  Valenzuela  ng continental teams mula Indonesia at Denmark para ma-kipagkarera sa kanila pero tinalo ni Indonesian PMCM CCN Dodol Picnic ang Danes na makalapit kay Valen-zuela sa pagpapapirma sa Pinoy.

DINDO QUIRIMIT

DODOL PICNIC

INDONESIAN CYCLING FEDERATION

IRISH VALENZUELA

PLACE

POLYGON TOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with