Baylon puntirya ang Beijing Olympics

Hangad ni national judoka John Baylon  na makakuha ng Olympic ticket patungo sa 2008 Beijing Games sa China sa darating na 2008 Asian Judo Championships sa Jeju, South Korea sa Abril 23-28 na pinakahuling Olympic qualifying tournament.

“Siguro last chance ko na ito para makakuha ng Olympic berth,” sabi ng 44-gulang na eight-time Southeast Asian Games gold medalist sa kanyang tsansa sa naturang Olympic qualifying meet.

Bilang preparasyon sa Asian Judo Championships sa South Korea, nakatakdang magtungo ang isang five-man national squad, sa pangunguna ni Baylon, sa Japan para sumailalim sa isang matinding pagsasanay. (RCadayona)

Show comments