Nestea beach volley hahataw na
Hahataw na ang pinakahihintay na summer event na Nestea beach volleyball National Circuit.
Magsisimula ang aksiyon sa March 4 sa Tagu Beach Volley Dome sa Rotary Park sa Davao para sa Mindanao eliminations, March 25-27 sa Island Cove Hotel and Liesure Park sa Cavite para sa Luzon leg at April 8-10 sa University of St. La Salle sa Bacolod para sa Visayas team.
Ang walong qualifying teams mula sa tatlong legs, apat sa babae at apat sa lalaki, ay papasok sa semifinals na gaganapin sa Boracay sa Apri 24-26 kung saan idaraos din ang championship round
May kabuuang 72-teams mula sa 43 colleges at universities mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang kasali kung saan magtatanggol ng titulo ang Mindanao State University at University of Visayas para sa torneong may basbas ng Philippine Volleyball Federation.
Ang lahat ng teams na papasok sa Boracay ay sigurado nang may panalo dahil ang Champion ay tatanggap ng P150,000 sa men at women’s division, P75,000 sa second place at P40,000 sa third place.
Kabilang sa Luzon eliminations ang Adamson, Letran, St. Benilde, La Salle-Dasmarinas, FEU, Lyceum, PATTS, PCU, St. Franciss of Assisi, St. Jude, St. Louie Univ., San Beda Alabang, San Beda, UB, Univ. of Cordilleras, Univ of Luzon, Perpetual, UP-Diliman at UST.
Sa Visayas, kasali ang Colegio Purisima Concepcion, Foundation Univ., Iloilo Doctors, Southwestern Univ., Univ. of Iloilo, Univ. of Negros Occidental-Recoletos, La Salle-Bacolod, Univ. of San Agustin, Univ. of San Carlos, Univ. of San Jose-Recoletos, Univ. of Southwester Phils. Foundation at Univ. of Visayas.
Ang Mindanao naman ay kabibilangan ng Agusan Institute of Technology, Ateneo de Davao, Capitol Univ., Holy Cross of Davao College, Jose Maria College, Maharlika Institute of Technology, Mindanao State U-Marawi, Mindanao State U-Tawi-tawi, Tawi-tawi Regional Agricultural College, Univ. of Mindanao-Tagum, Univ of Zamboanga at Xavier Univ. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending