^

PSN Palaro

Beijing Olympics bound athlete ‘di pababayaan

-

Tiniyak kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi nila pababayaan ang mga national athletes na hindi makakalahok sa darating na 2008 Olympic Games sa Beijing, China.

Ito ay mula na rin sa pagbibigay ng sports commission ng prayori-dad sa mga Filipino athletes na nakakuha na ng Olympic ticket patungo sa naturang quadrennial event sa Agosto.

“Our priority is, of course the Olympics pero that does not mean na na-neglect namin itong ibang national athletes from the different NSA (National Sports Association),” sabi ni PSC Commissioner Richie Garcia.

Kabilang na sa mga nakasikwat na ng Olympic seat ay ang mga swimmers na sina Miguel Molina, Daniel Coakley, Ryan Ara-bejo, at JB Walsh, taekwondo jins Tshomlee Go at Maria Antonette Rivero, boxer Harry Tanamor, archer Mark Javier at shooter Eric Ang.

Ang 17-anyos na si Joan ‘Cristel’ Simms, Honoluluborn tanker, ang pinakahuling Filipino Olympic qualifier, ayon kay swimming association president Mark Joseph.

Sinabi ni Garcia na patuloy pa rin silang naka-katanggap ng request mula sa mga NSAs para sa paglahok ng kani-ka-nilang mga atleta sa ilang international competitions. 

“We have recieved a lot of requests from the other NSAs to compete in some tournaments, the usual exposures for their athletes,” ani Garcia. “Inaapprove rin naman namin itong mga ito. And definitely hindi naman natin sila pinababayaan just because hindi sila nag-qualify sa Olympics.”

Naglatag na ang komisyon ng pondong P30 milyon para sa pagha-handa at partisipasyon ng mga Olympic qualifiers sa 2008 Beijing Games.   (Russell Cadayona)

BEIJING GAMES

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

DANIEL COAKLEY

ERIC ANG

FILIPINO OLYMPIC

GARCIA

HARRY TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with