^

PSN Palaro

Tigilan na ang bangayan sa Billiards

SPORTS - Dina Marie Villena -

So ang maglalaban pala sa PBA finals ay ang Sta. Lucia Realty at Purefoods Tender Juicy Giants.

Maraming Red Bull fans ang dismayado dahil hindi sila nakarating sa finals.

Magandang laban sana kung Purefoods-Red Bull, kung dami ng fans ang pag-uusapan. Pero siyempre maraming fans din naman ang Realtors pero iba kasi ang impact ng fans ng Red Bull. At tulad ng inaasahan ang Purefoods ang kanilang makakalaban.

Maraming fans ang Purefoods pero hindi ito ang main advantage sa titular series ng dalawang team.

Isang magandang pa-birthday kay James Yap ang pagpasok nila sa Finals at tiyak na birthday wish nilang mag-asawa ang makuha ang kampeonato.

* * *

Para sa aking sariling opinyon, mas nakakalamang ng tao ang Purefoods sa finals nila kontra sa Sta. Lucia.

Ewan ko lang. Siyempre hindi naman basta-basta papayag ang Realtors na hindi maangkin ang titulo. Kaya tiyak magandang serye din ang magaganap sa dalawang ito.

* * *

Nakakainis na at hindi nakakatuwa ang bangayan ng dalawang billiards association ha.

Marami na ang nayayamot.  Baka ito pa ang maging dahilan ng pagbagsak ng billiards sa bansa.

Tigilan na ninyo ang bangayan na ‘yan kasi hindi kayo nanakatulong sa pagunlad ng sports sa bansa kundi nakakasira kayo.

Yun lang!

* * *

Nakalabas na ng ospital ang anak kong si LJ na naaksidente sa motorsiklo. Nakahinga na ako ng maluwag bagamat 30 days siyang pinagpapahinga ng kanyang neuro-sergeon na si Dr. Kemphis.  Ibig sabihin isang buwan siyang hindi muna magtatrabaho.

Pero okay lang at least ligtas na ligtas na siya. Kaya naman nagpapasalamat ako sa lahat ng aming kasa-mahan sa PSN, PM, Phil. Star, mga kaibigan kamaganak na nagdasal sa kanyang mabilis na recovery.

Nagpapasalamat din ako sa mga nurses sa Calamba Doctor’s Hospital (second floor and ICU department) sa kanilang pasensiyang ibinigay sa pasyenteng makulit na tulad ni LJ ko. Kina Alma Axalan, Rochell Opiana, Annabelle Agustin, Gaddie Gonzales, Maribel Vergara, Janey Gatchalian, Sheena Ortega, Mary Dominguez, Arnie Parlero, Melanie Lara, Valerie Autriz, Aisa Dimaa-no, Liezlter Caranto at Rose Unganiza at siyempre sa lahat ng resident doctor na tumingin.

Maraming salamat sa prayers at pagpalain kayo nawa ng Panginoon Mabait talaga si LORD!

* * *

Yumao na kahapon ang ina ni Amarie Zaldivar na si Maria Zaldivar, dating provincial board member ng Aklan at dating mayor ng Nabas, Aklan at retired regional trial court judge branch 4 ng Aklan. Our sincerest condolence sa pagpanaw ng ina ng ating kolumnista.

AISA DIMAA

AKLAN

AMARIE ZALDIVAR

ANNABELLE AGUSTIN

CENTER

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with