Palaban pa rin si Yap
Kahit na may iniindang injury ang dating Most Valuable Player na si James Yap ay kilabot pa rin ito kaya siya ang napili ng PBA Press Corps na Smart Accel-Player of the Week pa-ra sa linggong Feb. 4-10.
Ito ang ikaapat na pagkakataong iginawad kay Yap ang natu-rang citation na natanggap niya noong Oct. 14-21, Nov. 19-25 kahati si Junthy Valenzuela ng Red Bull at Dec. 31 to Jan. 6 kahati si Kelly Williams ng Sta. Lucia.
“Ang katwiran ko kasi, kung kaya namang maglaro, bakit hindi?” paliwanag ni Yap matapos umiskor ng 28 points upang pamunuan ang Giants sa 83-71 panalo sa Bulls noong Linggo na tumapos ng kanilang semifinals series, 4-3 para makapasok sa Smart Philippine Cup best-of-seven finals kontra sa Sta. Lucia.
Nauna rito ay kumamada si Yap ng 25 points sa dikdikang Game-Five kung saan naitakas nila ang 96-95 kahit na meron siyang strained groin nang mapuwersa niya ang kaliwang tuhod. “Kailangang-kailangan kasing manalo kaya ibinuhos ko na. Alam ko namang it will all be worth it,” aniya.
“It’s amazing to see a player rise to the challenge even after an injury,” ani Purefoods coach Ryan Gregorio. “His amazing performances in Games 5 and 7 propelled our entry to the finals.”
- Latest
- Trending