Ateneo walang hirap na pumasok sa semis ng UAAP volleyball dahil sa error ng La Salle
Nakarating ang Ateneo sa semifinals ng UAAP women’s volleyball sa kauna-unahang pagkakataon, salamat sa teknikalidad sa eligibility ni ace blocker Jackie Alarca.
Ibinasura ng UAAP Board kahapon ang apat na panalo ng La Salle matapos matuklasan na nagsumite si Alarca ng kanyang leave of absence sa third semester ng La Salle no-ong Jan. 7, at inakala nitong makakalaro pa rin siya sa Lady Archers sa Season 70.
Ngunit ayon sa UAAP rules, kailangang maging estudyante ang isang player sa kanyang eskuwelahan hanggang matapos ang tournament.
Dahil dito, nakapasok ang Ateneo sa semis, hindi pa man nila nakakalaban ang Far Eastern sa huling araw ng eliminations sa Rizal Memorial Coliseum.
Imbes na 6-7 marka, ang Lady Archers ay may dalawang panalo na lamang sa 13-laro na nagpatalsik sa kanila sa ‘Final Four’ .
“(The) UAAP board had an emergency board meeting this morning (kahapon) to discuss the issue.
Kabilang sa mga panalong binalewala ng UAAP Board ay ang four-set victory sa Lady Eagles noong Jan. 30, ang second round game na krusyal na labanan para sa semifinals berth.
Ang iba pang panalo ng La Salle na nabalewala ay ang kontra sa National University sa pagtatapos ng first round, at sa University of the Philippines at University of the East sa second round.
Dahil sa kaganapan, uma-ngat ang Ateneo sa 8-5, mula sa 7-6 na nagkaloob sa kanila ng semifinals berth.
Sinabi naman ni Bro. Bernie Oca, ang board representative, ng La Salle na isang ‘honest mistake’ ito. “She (Alarca) passed the eligibility in the second term and enrolled in the third term,” ani Oca. “The problem was most of the women’s games during the third term were on Thursday and it con-flicted with her class schedule so she decided to go on leave.”
- Latest
- Trending