^

PSN Palaro

Japanese pug ang bagong sparring mate ni Marquez

-

Isang Japanese fighter ang dumagdag sa mga sparmates ni Mexican world super featherweight champion Juan Manuel Marquez para paigtingin ang kanyang paghahanda sa rematch nila ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao.

Nagtungo na patungong Mexico City si Norio Kimura, No. 7 sa listahan ng World Boxing Council (WBC) at No. 15 naman sa World Boxing Association (WBA), para tulungan ang 34-anyos na si Marquez sa kanyang preparasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tatayong sparring partner ng isang Mexican champion ang 29-anyos na si Kimura.

Isa si Kimura sa mga naging sparmates ni world three-division titlist Erik Morales sa paghahanda nito sa kanilang ikatlo at huling banggaan ng 29-anyos na si Pacquiao noong Nobyembre 18 ng 2006.

Ayon kay Kimura, sinipa siya ni Morales, natalo kay Pacquiao via third round TKO sa kanilang huling pagtatagpo para sa WBC International super featherweight championships sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada, nang mapuruhan niya sa tenga sa kanilang sparring session.

“Morales misunderstood my affectionate act,” ani Kimura, nagdadala ng 33-5-2 win-loss-draw ring rekord kasama ang 17 KOs, kay Morales na isa nang retiradong boksingero. (R.Cadayona)

ERIK MORALES

ISANG JAPANESE

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MACK CENTER

MEXICO CITY

NORIO KIMURA

PACQUIAO

WORLD BOXING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with