Makabenta bumuwelta!
Sa dulo, ang usapin sa pera ang siyang dahilan ng pag-atake ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) sa Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP).
Ito ang pahayag kahapon nina BSCP president Ernesto Fajardo at chairman Yen Makabenta hinggil sa umano’y ginawang ‘players’ revolt’ ng BMPAP ni Perry Mariano noong nakaraang linggo kung saan niya inimbitahan ang mga pangunahing cue masters ng bansa, partikular na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Ronnie Alcano.
Ayon kay Makabenta, gusto ni Mariano at ni businessman/sportsman Aristeo “Putch” Puyat na magtayo ng isang team sport na kahawig ng Philippine Basketball Association (PBA).
“We do not have to search very hard for the manager’s reasons,” ani Makabenta. “This is about money first and foremost. There is also the promise and the great danger of game fixing and illegal gambling taking over if the managers have their way.”
Tinuligsa rin nina Makabenta at Fajardo ang kinukuha umano ni Maria-no na 40 percent mula sa kanyang mga alagang billiards players, dalawa na rito sina Antonio Gabica at Jeffrey De Luna.
Sina Gabica at De Luna, gold at silver medalists, ayon sa pagkakasunod, sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, ay umalis na sa kampo ni Mariano mata-pos kunan ng 40 porsiyento sa kanilang cash incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC).
“We are here to protect and support our players. We are the dulyrecognized billiards and snooker association of the Philippine Olympic Committee (POC) and no one else,” wika ni Fajardo.
Hindi naman pino-problema ni Alcano, ang 2006 World Pool champion, ang nasabing alegasyon nina Fajardo at Makabenta.
“Wala kaming problema d’yan sa 40-percent na kinukuha sa amin dahil alam namin na kulang pa ‘yan na pantakip sa ginagastos nila sa amin,” ani Alcano. “Sa sweldo lang na binibigay nila sa amin mahirap nang mabawi dahil hindi naman kami laging nananalo, eh ‘yung ibang ginagastos pa nila sa amin
- Latest
- Trending