^

PSN Palaro

Bolivar, Diaz nanguna sa 10K UP Century Run

-

Naghari si Aquin Bolivar sa men’s division habang dinomina ni Frejelyn Diaz ang distaff side sa centerpiece 10-kilometer race ng UP Century Run kamakailan lamang sa UP Academic Oval.

Si Bolivar ay nagsumite ng pinakamabilis na oras na 35-minuto at 51-segundo  habang si Diaz ay may tiyempong 47:38 minuto para mag-uwi ng tig- P4,000 cash prize sa fun run event na inorganisa ng In Christ Thrust for University Students (ICTUS) at suportado ng Rush Fitness Water, PAGCOR, SM Prime Holdings, Video Sonic, Salem Investment Corporation, Flaming Wings, Air Immune Blast at Champion sportswear.

Tinalo ni Bolivar si Jonas Bagnacan na nagtapos bilang runner-up sa kanyang oras na 36:07, habang tumapos naman bilang third sina Carlito Marquez Jr., na may 38:13.

Nagkasya naman si Popo Remegio sa second place sa likod ni Diaz sa kanyang 49:01 clocking at pumangatlo si Felicitas Bareja sa oras na 51:18.

Nanalo naman sa 5-kilometer race si Mark Reyes (20:01) sa men’s section at Corazon Salcedo (29:08) sa female side, at tumanggap ng tig-P3,000  premyo.

Ang kinita sa fun run na baha-gi ng selebrasyon ng Centennial year ng State U, ay para sa mga cancer patients ng Philippine Children’s Medical Center.

Humigit kumulang 1,500 runners ang nakibahagi sa patakbong ito.

vuukle comment

ACADEMIC OVAL

AIR IMMUNE BLAST

AQUIN BOLIVAR

CARLITO MARQUEZ JR.

CENTURY RUN

CORAZON SALCEDO

DIAZ

FELICITAS BAREJA

FLAMING WINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with