^

PSN Palaro

Pagkatapos ng basketball, pamilya ang buhay ni Patrimonio

-

Matapos magretiro sa basketball noong 2004, ang mga anak na ang inaasikaso ni Alvin “The Captain” Patrimonio bukod pa sa pagiging team manager ng Purefoods TJ Giants at nagmamay-ari ng isang meatshop sa Pasig.

“I am busy but I am enjoying it. It’s not actually as physically taxing as before when I was playing,” wika ng 41-anyos na  si Patrimonio, na kasali sa television commercial ng San Mig Coffee 100% Premium Instant Black Coffee. “I know in my heart that I can still do it if I want to, but I try to set those thoughts aside.”

At bakit naman hindi? Nakamit na ni Patrimonio ang maraming award sa Philippine Basketball Association (PBA), kasama na ang apat na Most Valuable Player (MVP) trophies. Nakapaglaro na siya sa ilang All Star Games, national teams at nakalaban na ang pinakamagagaling sa Philippine basketball.

Ngayong wala na siya sa basketball, puwede na siyang mag-artista ulit.  ”If there’s an offer for let’s say, guesting, why not?”  

”Like Samboy, Peter, Hector, Chito and Allan, I was thrilled when San Mig Coffee asked us to do the commercial. I think the TVC’s theme, Tapang at Diskarte, is inspiring. Simple lang yung treatment but it took us down the memory lane kaya nakakatuwa,” kuwento pa ni Patrimonio.

Ngunit kapag pamilya ang pinag-uusapan, nalulungkot si Patrimonio.

“But I was really happy last December when my family came back from Spain,” ani Patrimonio tungkol sa asawa niyang ni Cindi at mga anak na babaeng sina Christine (16) at Clarice (14), na nag-aaral ng tennis sa Valencia, Spain simula pa noong May 2006 kay Tomas Pecho.

Si Cristine at Clarice, umiidolo kina Maria Sharapova at mgakapatid na Williams, ay maglalaro sa isang local tournament patungo sa kanilang pangarap na masali sa mga torneo ng Women’s Tennis Association (WTA) at International Tennis Federation (ITF).

“Kung gaano ako kasaya sa pagdating nila dito last December, ganun din kalaki yung lungkot ko nung bumalik sila doon last Saturday (January 19),” ani Pa-trimonio .”Pero siyempre sacrifices have to be made. I am seeing that they are improving, so I am happy about it.”

Kasama ni Patrimonio ang panganay na si Angelo na pumasok na sa showbiz  at dalawang-taong-gulang na si Asher.

ALL STAR GAMES

BUT I

CHITO AND ALLAN

PATRIMONIO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with