May kumpiyansa si national boxing coach Pat Gaspi sa kakayahan ni Joan Tipon na hiyain ang pambato ng Thailand na si Worapoj Petchkoom upang maging ikalawang Filipino boxer na uusad sa Beijing Olympics.
Umabot sa semifinals si Tipon, ang Doha Asian Games gold medallist, nang mangibabaw kina Ebraheem Alghara-geer ng Jordan, 13-2, at Mukama-mad Ali ng Pakistan, RSC-O 3rd round, para ikasa ang paghaharap nila ni Petch-koom na na-ngibabaw kina Han Soon-chul ng Korea, 22-7 at Homuratov Ulugbek ng Uzbekistan, 22-10.
Si Tipon nga ang tumalo kay Petchkoom sa semifinals sa Asian Games pero nakabawi ang huli nang manalo sa World Championships.
Ang ikatlong pagkikita ng dalawa ay hindi nangyari sa Asian Games nang si Orlando Tacuyan Jr. ang ipinadala pero hindi lumaban bilang pro-testa ng Pilipinas sa uma-no’y malawakang dayaan na ginawa ng host Thai sa sport na ito.
“Halos mag-kasukat lamang sila kung ta-lento at styla ang pag-uusapan. Kaya sa tingin ko ay sa breaks na la-mang magkakatalo ang dalawa,” wika ni Gaspi.
Sinisikap naman ng ibang kasapi ng delegas-yon ng Pilipinas na hindi makaapekto ang suporta ng manonood at nakipag-ugnayan na nga si PSC chairman William Rami-rez sa Philippine Ambassador na si Antonio Rod-riguez na magdala rin ng mga Pinoy na manonood at hihiyaw para kay Tipon.
Si Tipon ang nalalabi sa limang boxers na ipinadala ng Amateur Boxing Association of the Philippines. Sina Olympian at Asian Games gold medallist Violito Payla, Orlando Tacuyan Jr., Gene-bert Basadre at Adam Fiel ay pa-wang namaalam na nang matalo agad sa kanilang unang laban.
Ang mga na-talo namang RP boxers ay maaari pang makahabol sa Beijing Games sa ikalawa at huling Asian Olympic Quali-fying na itinakda sa Ka-zakh-stan sa Abril.