Kumpiyansa si Mamiit

Sa kabila ng matagal na pananatili ng mga Japanese tennis players netters sa Group 1 ng Davis Cup Asia-Oceania, kumpiyansa pa rin si Fil-American netter Cecil Mamiit sa tsansa ng kanyang tropa.

“They have been in Group 1 in a while and they are more experienced than us but we have the talent and we just have to use it,” sabi kahapon ni Mamiit, ang world No. 496 netter.

Nakatakda ang labanan ng Team Philippines at Japan para sa Asia-Oceania Group 1 tie sa Pebrero 8 hanggang 10 sa Rizal Memorial Tennis Center kung saan ang mananalo ang siyang sasagupa sa mananaig naman sa pagitan ng India at Uzbekistan.

Ito ang unang pagka-kataon na nakaakyat sa Group 1 ang mga Filipino netters matapos noong 1995 nang pangunahan nina Joseph Lizardo at Robert Angelo ang 3-2 panalo kontra Japan na binanderahan ni Shuzo Matsuoka sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor tennis center sa Plaza Dilao, Paco.

Makakasama ni Mamiit, gold medalist sa singles event ng 2005 at 2007 Southeast Asian Games, sa kampanya sina Fil-Am Eric Taino, PJ Tierro, Johnny Arcilla, Kyle Dandan at Pablo Olivarez II.

Nakatakdang dumating si Taino, nakatuwang ni Mamiit sa paghataw ng gintong medalya sa men’s doubles ng 2005 Philippine SEA Games, sa bansa ngayong linggo mula sa Los Angeles, California.

“We’re excited about it. They’re sort of a powerhouse in Asia and we’re looking forward to playing against them,” sabi ni Mamiit, tumulong sa pagbangon ng RP Team mula sa Group 3 patungo sa pag-akyat sa Group 1 ng Asia-Oceania.

Ang Japan squad ay binubuo ng mga bigating sina world No. 212 Go Soeda, No. 244 Takao Suzuki, No. 288 Kei Nishikori, No. 362 Satoshi Iwabuchi, No. 300 Gouichi Motomura at ang 19-anyos na si Yuichi Sugota.

Show comments