^

PSN Palaro

P88,800 para mapanood ng live ang laban ni Manny

-

Para sa special tour package na P88,800, ma-akapanood ang mga fans ni Manny Pacquiao ng live sa kanyang March 15 rematch kontra kay Juan Manuel Marquez sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Ginawa ang tour package ng grupo ng mga Filipino businessmen na kinabibilangan ni sports event organizer Emmet Penson, hospitality expert Dan Tardecilla, travel consultant Noel Mendoza, Cris Aquino, ang perennial flag-bearer sa mga laban ni Pacquiao sa US.

Kabilang sa package ang round-trip economy airfare mula sa Manila at pabalik via Philippine Airlines, five-night stay na may breakfast sa Tropicana Las Vegas sa harap ng Mandalay Bay at Pacquiao fight jacket.

Hindi kasama ang Visa facilitation sa package gayundin ang fight tickets. Ngunit sa mga kukuha ng special package ay maaaring maka-pagpareserve ng tickets na kanilang nanaiisin mula $600 hanggang $400.

Ang araw ng alis ay sa March 13 o dalawang araw bago ang laban at ang uwi ay sa March 18.

Para sa detalye tumawag sa (632) 485-1650.

vuukle comment

CRIS AQUINO

DAN TARDECILLA

EMMET PENSON

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MANDALAY

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with