Alaska, Red Bull tuloy ang laban

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Alaska vs Sta. Lucia

6:50 p.m. Red Bull vs Purefoods

Pagod ang mga kala-ban kaya naging magaan para sa Alaska ang  quar-terfinal round. At ngayon, haharap sila sa mga ‘reju-vinated’ team na Sta. Lu-cia sa pagsisimula ng semifinals ng Smart-PBA Philippine Cup na magpa-patuloy ngayon sa Cune-ta Astrodome.

Sinamantala ng Alas-ka ang kapaguran ng Co-ca-Cola upang tapusin ng maaga ang kanilang best-of-three quarterfinal series sa 2-0.

At ngayon, inaasa-hang ang Realtors na-man ang magsasaman-tala ng kanilang kapa-guran sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven semifinal series.

“Fatigue obviously became a factor in the series. But the shoes will be on the other foot in our next series. We’ll be weary and we’ll be up against a fresh team,” ani coach Tim Cone.

Alas-4:30 ng hapon ang sagupaan ng Aces at Realtors bilang pampa-ganang laban bago ang inaasahang mainit na sagupaan ng Red Bull at Purefoods sa opening game ng isa pang semifinal series dakong alas-6:50 ng gabi.

Dalawang linggo na ang nakakaraan ng huling maglaro ang Realtors at siguradong sapat ang kanilang pahinga at paghahanda.

Gayunpaman, umaa-sa si Cone na magiging advantage naman nila ang quarterfinal series bilang isang preparasyon sa mas malaking laban.

 “Sta. Lucia is a defensive team. Coke is also a good defensive team and hopefully they prepared us for Sta. Lucia,” wika ni Cone sa Realtors na tumalo sa kanyang Aces ng dalawang beses sa classification phase, 94-88 at 101-96. “Sta. Lucia was the only team that went 2-0 against us. Hopefully, that becomes a motivation for the boys.”

Sina Most Valuable Player Willie Miller, Jeffrey Cariaso, Reynel Hugna-tan, Mike Cortez at Sonny Thoss ang aasahan ni Cone para tapatan sina Kelly Williams, Dennis Espino, Marlou Aquino,  Bitoy Omolon at rookie Ryan Reyes ng Realtors.

Ang Purefoods ang No. 1 team sa pagtatapos ng elimination round kaya’t underdog na underdog ang Bulls gayun-paman ay optimistiko si coach Yeng Guiao.

Awtomatikong dumi-retso sa semis ang TJ Giants at Realtors bilang pabuya ng top-two teams ng classification round.

 “Very positive ako na puwedeng matsamba-han namin ang Pure-foods,” ani Guiao. “Mata-as ang kumpiyansa ko na magiging maganda ang series na ito ng Red Bull at Purefoods.”

Show comments