Bugbog si Payla

 BANGKOK -- Sa laki at mas mabilis na kala-ban, hindi nakaporma si Violito Payla at nabugbog ni Yunusov Anvar ng Taji-kistan na sumira ng kan-yang pinapangarap na Olympic berth sa ikala-wang sunod na pagka-kataon.

Hindi naging surpresa ang RSC (Referee-Stop-ped-Contest)-Outscored verdict (30-10) sa RP PLDT Smart boxing squad dahil dinomina ng husto ni Anvar si Payla dahil sa kanyang mas mahabang reach, mas malakas na power at mas mahusay na technique upang makasulong sa second round ng Asian Boxing Olympic Qualifying tournament na gina-ganap sa Dhurakij Punjit University dito.

Lamang si Payla, veteran ng Athens Olympics at gold medal winner sa 2006 Doha Asian Games, 3-1 sa kaagahan ng laban ngunit nang tumagal, na-kapa na ni Anvar, silver medallist sa 2006 World upang umabante sa 23-8 sa pagtatapos ng ikala-wang round pa lamang at base sa AIBA rules, ang boksingerong may mahi-git 20-rounds nang kala-mangan sa loob ng tat-long rounds pa lamang ay panalo na.

Tanging sina bantamweight Joan Tipon, featherweight Orlando Tacujan Jr., lightweight Genebert Basadre at light welterweight Adam Fiel na la-mang ang natitirang pag-asa ng bansa na makaku-ha ng Olympic berth.

Aakyat sa ring sina Tipon, Asian Games gold medallist din, at Tacuyan kagabi laban kina Jordanian Ebraheem Alghara-geer at Galib Jafarov ng Ka-zakhstan ayon sa pagkakasunod. Ngayon aakyat a lona si Basadre at Fiel laban kina Hu Qing ng China at Tubshinbat Byamba ng Mongolia ayon sa pagkakasunod.

Show comments