^

PSN Palaro

Grabe ang hirap ng Coca-Cola

SPORTS - Dina Marie Villena -

Saludo kami dito sa Coca-Cola. Grabe ang hirap na pinagdaanan bago nakarating sa quarterfinals.

At hindi lang yun. Pati na rin ang pagsulong sa semis ay matinik din ang daan para sa Tigers. Kaila-ngang dalawang beses silang manalo sa Alaska Aces sa kanilang best-of-three quarterfinal match para makarating sa semis.

Ay sus! Ano ba yan? Sobrang pahirap talaga. At kapag nalusutan nilang lahat ng sagabal sa daan, hindi malayong maabot nila ang tagumpay na kanilang inaasam.

Saludo kami sa iyo coach Binky Favis at sa buong Coca-Cola Tigers.

* * *

Taas-noo ngayon si Paul Asi Taulava dahil unang nalusutan nila ang dating team na Talk N Text sa wildcard phase. Ngunit bago yun tinalo rin nila ang Phone Pals para maka-hirit sa wildcard phase.

Determinado si Asi at may nais patunayan.

Siguro naman nga-yon ay magiging malu-wag na sa dibdib ni Asi ang pagkaka-trade sa kanya.

Kailangang ibaon na rin sa limot ni Asi ang lahat. Ipinakita na rin na-man niya na isa siyang tunay na propesyunal.

* * *

Hala, hanggang nga-yon ay nagdadalawang-isip pa rin si Sonny Barrios kung tatanggapin nya ang pagkakaluklok sa kanya bilang ikapitong commissioner ng PBA.

Kung anuman ang magiging desisyon ni Sonny B.

Sana naman ay para sa ikabubuti ng lahat at ng dalawang panig na concern sa desisyong ito.

ALASKA ACES

ASI

BINKY FAVIS

COCA-COLA TIGERS

PAUL ASI TAULAVA

PHONE PALS

SALUDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with