Nakakuha ang Philippine Shooting ng malaking suporta mula sa generous sports patron na si Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Tagaytay City.
Ang mahiyaing Tagaytay City executive, na regular na nagho-host ng iba pang sports events gaya ng basketball at chess ay nakipagkita kamakailan sa kapwa niya sportsman at reigning national pistol champion na si Nathaniel ‘Tac’; Padilla at sumang-ayon ito na magtayo ng international standard shooting range na kayang maghost ng international competitions.
“Tac (Padilla) has sounded an appeal for LGUs (local government units) to support his youth development program, so I decided to come forward and give my one hundred percent backing by greeting to put up a modern range,” wika ni Mayor Tolentino.
Si Padilla na iniluklok na chairman ng national youth development program ni PNSA (Philippine National Shooting Association) president Art R. Macapagal, may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan , ay pinasalamatan ang batang Mayor para sa kanyang positibong tugon sa nasabing proyekto.
“Mayor Tolentino’s decision is very laudable. The range he’s going to build will greatly benefit current and future shooters, especially the 12-17 year-old aspirants who have signed up to join the regular training and monthly clinics my group will be holding,” wika ni Padilla.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pasasala-mat si PNSA chief Macapagal kay Mayor Toilentino dahil sa paglalaan niya ng kinaila-ngang tulong ng kanyang organisasyon sa pamama-gitan ng pagpapagawa ng bagong range sa malamig na Tagaytay City.