Bustamante vs Deuel sa IPT Challenge Match

Sisikapin ni Filipino Francisco “Django” Bustamante na maipagpatuloy ang kan-yang pananalasa sa pakikiS-pagtuos niya kay American Corey Deuel sa nalalapit na International Pool Tour (IPT) Challenge Match sa Enero 23 sa Estados Unidos.

Si Bustamante, isa sa top player ng Puyat Sports ay sariwa pa sa pagkopo ng prestigious Derby City Classic Master of the Table Bonus Champion kamakailan sa West Executive Hotel sa Louisville, Kentucky.

Ang dating No.1 player na si Bustamante ay sariwa pa sa kanyang pagkopo sa Derby City Classic Master of the Table Bonus championship,  at naging finalist sa 9-ball competition, semifinalist sa one pocket event at quarter-finalist sa 9-ball bank competition sa tinampukang 10th annual Derby City Classic na may  total pot prize $100,000.

Ayon sa IPT news release na pinadala kahapon sa Puyat Sports, ang live match ay masasaksihan sa Enero 23, sa ganap na 8 pm East Coast Time sa online IPT website. Ang game ay 8-ball, at ang  first player na maka fifteen games ang magwa-wagi.

Dalawang taon na ang nakalilipas kung saan inulan ng kontrobersiya ang IPT matapos mabigong mabaya-ran ang prizes ng ilan sa mga nagwagi sa riches International Pool Tour (IPT) World 8-Ball sa Nevada. Si Hall of Famer Efren “Bata” Reyes, ang nagkampeon sa nasa-bing event tungo sa pag tanggap ng kanyang biggest pay check $500,000.

Show comments