Gorres pinayuhan ni Donaire sa kanyang laban kay Darchinyan
May payo si Nonito Donaire kay Z Gorres sa kanyang laban kontra sa bigating Armenian boxer na si Vic Darchinyan.
Pinatikim ni Donaire ang kauna-unahang pagkatalo kay Darchinyan matapos ang kanyang 30 professional fights matapos umiskor ng fifth round knockout para agawin ang International Boxing Federation (IBF) flyweight title noong Hulyo sa
Kakalabanin ni Gorres ang 32-gulang na si Darchinyan sa IBF title eliminator sa February 2 sa Cebu Waterfront Hotel and Casino at may payo si Donaire para sa dating Sydney Olympian.
“Z just has to stick to his game plan. He has to move and move since he’s a lot quicker than Darchinyan, who really has a power punch,” wika ng reigning IBF 112-pound king. “He needs to jab a lot and try to outbox Darchinyan.”
Nakabawi na si Dar-chinyan mula sa naturang kabiguan matapos umis-kor ng 12-round knockout kay Filipino Federico Ca-tubay upang makasulong sa 30-1, kabilang ang 23 knockouts.
Galing naman ang Cebuanong si Gorres sa eight round technical knockout win laban kay Eric Ortiz para maitakda ang labang ito.
“Pinaghahandaan ko po talaga ito. Ayaw ko na muling biguin pa ang mga kababayan ko,” ani Gorres.
Ang mananalo sa 12-round fight na tinaguriang ‘Now or Never’ na ipapalabas ng Solar Sports at ABC-5, ay haharap kay reigning IBF super-flyweight champion Dmitri Kirilov ng Russia.
Nabigo ang 25-anyos na si Gorres sa hinahangad na World Boxing Organization (WBO) super-flyweight title matapos ang controversial split decision kay Mexican Fernando Montiel sa Cebu noong nakaraang taon sa Cebu ngunit nabuhayan ito ng pag-asa sa kanyang panalo kay Ortiz sa Sacramento, California noong August. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending