Umaasa ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na maluwag silang tatang-gapin ng Amateur Boxing Association of Thailand (ABAT) sa kanilang pag-lahok sa Olympic qualifying sa Bangkok sa Enero 24 hanggang Pebrero 3.
Ito ay bunga na rin ng sigalot ng ABAP at ng ABAT ukol sa protesta ng una sa ‘pandaraya’ ng huli sa nakaraang 24th Southeast Asian Games noong Disyembre sa Nakhon Ratchasima kung saan pumitas ang mga Thai fighters ng 16 sa kabuu-ang gold medal.
“Pupunta kami doon as a men of goodwill at ang aming pagpunta is for sporting relationship,” sabi kahapon ni ABAP president Manny T. Lopez. “Siguro naman hindi sila mag-iisip ng masama sa amin.”
Isang five-man national team ang isasabak ng ABAP, kinatigan ng AIBA hinggil sa sadyang hindi pagbibigay ng ABAT ng imbitasyon para sa Olympic qualifying sa Bangkok, sa qualifying meet.
Ang mga ito ay sina 2006 Asian Games gold medal winners flyweight Violito Payla at bantam-weight Joan Tipon, lightweight Genebert Ba-sadre, featherweight Orlando Tacuyan at Fil-Am light welterweight Adam Bigornia Fiel.
Tanging si light flyweight Harry Tanamor pa lamang ang nakatiyak ng Olympic ticket matapos mag-uwi ng silver medal sa World Championships sa Chicago, USA noong Agosto ng 2007.
Tinanggap na ng ABAT ang koponan ng ABAP matapos ipag-utos ng AIBA ang pagtatakda ng panibagong deadline.
“Iyong binanggit naming 12 points sa sulat namin sa AIBA ay aming uusisain pagdating ng (AIBA) Executive Committee hearing sa Pebrero sa Busan, Korea,” sabi ni Lopez sa kanyang liham sa AIBA. “Sana naman tingnan ng aming mga kasamahan in a fair and just manner.
Matapos ang Olympic qualifying sa Bangkok, magtutungo naman ang mga Filipino fighters sa Almaty, Kazakhstan para sa huling qualifying event sa Marso. (RCadayona)