Negatibong balita binalewala ni Pacquiao sa pagtungo sa Amerika

Binalewala ni Manny Pacquiao ang mga negatibong balita na min-san ay tungkol sa kanyang wild at hindi maiwasang night life ilang oras bago ito umalis patungong Los Angeles para sa kanyang pagsa-sanay sa Wild Card gym ni American trainer Freddie Roach.

“I am feeling good, good. It’s amazing how I feel and how my life is going,” pahayag ni Pacquiao.

Ayon sa Pinoy ring icon, may mga hindi tapos na usapan itong dapat wakasan sa kanyang re-match kay  World Boxing Council super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa kanilang paghaharap sa Mandalay Bay Resort Hotel and Casino sa Las Vegas sa March 15.

Sinabi rin ni Pacquiao na isang linggo bago ito makabalik sa dating porma at harapin ang sparring mates na mapipili ni Roach.

Si Pacquiao ay sina-mahan ng kanyang kababatang si Buboy Fernandez at Nonoy Neri at dedeterminahin kung saan dapat sila  mag-concentrate sa inaasahang mabigat na laban kontra kay Marquez na ayon sa Top Rank promoter ay huling Mexican na nakatayo.

Si Marquez ay nagsasanay na sapul pa noong Disyembre at maging ang Kapaskuhan ay hindi nito pinalampas sa pag-eensayo.

Nang una silang magtagpo, tatlong beses pinahalik sa lona ni Pacquiao si Marquez sa opening round, binugbog sa ikalawang round ngunit hindi basta-basta napasuko na nagbigay pa ng pagkakataon kay Marquez na makapagbigay ng mahusay na counter-puncher at ma-kaligtas sa kontrobersiyal na draw.

Show comments