^

PSN Palaro

Naunawaan na nila!

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Mahirap din talaga ‘yung magkaroon ng “super powerhouse” team.

Iyan marahil ang nararamdaman ni Magnolia Beverage Masters coach Bethune “Siot” Tanquingcen na hanggang ngayon ay hindi pa siguradong “safe” sa quarterfinal round ng Smart-PBA Philippine Cup.

Nagtapos nang may 10-8 record ang Beverage Masters nang talunin nila ang kulelat na Welcoat Dragons, 96-84. Nasa ikalimang puwesto sila sa kasalukuyan at sa ilalim ng rules ng torneo, ang top two teams sa pagtatapos ng double round classification phase ay didiretso sa semis samantalang ang teams 3, 4 at 5 ay didiretso sa quarterfinals. Ang ikaanim hanggang ikasiyam na koponan ay sasabak sa “wild card” phase kung saan knockout ang labanan.

Ibig sabihin, maghaharap ang No. 6 at No. 9 teams samantalang magtutuos ang No. 7 at No. 8 teams. Ang magwawagi sa knockout matches na ito’y maghaharap para sa huling quarterfinals ticket.

Hindi pa nga safe ang Beverage Masters hanggang sa oras na isinusulat ito dahil sa puwede pang makatabla sa kanila ang Text N Text kung nagwagi ang Phone Pals kontra nagtatanggol na kampeong Barangay Ginebra kagabi at Coca-Cola sa Miyerkules. Kung natalo ang Talk N Text kagabi, pasok na ang Magnolia. Wala nang kaba si Tanquingcen. Kung nanalo ang Talk N Text, hindi pa puwedeng huminga nang maluwag ang Beverage Masters.

Biruin mo iyon! Dapat, sa yugtong ito ng torneo ay sitting pretty na ang Beverage Masters at sila ang nakakuha ng isa sa dalawang automatic semifinals tickets dahil sa sobrang lakas ng kanilang line-up. Pero hindi nga nangyari iyon!

Well, tapos na iyon, e. Ang mahalaga’y hindi naman na-eliminate ang Magnolia at puwedeng-pwede pa silang makarating sa semis o sa Finals.

Inamin ni Tanquingcen na sa umpisa’y mahirap talagang ipaalala sa mga manlalaro niya ang kanilang mga roles. Kasi nga, yung mga dating superstars ay puwede na ngang maging role players o vice versa. Kailangan nilang tanggapin iyon.

Towards the end ng classification round ay tinanggap na nga ng Beverage Masters ang kanilang papel at ang pangyayaring kailangang isakripisyo ang personal na agenda para sa ikabubuti ng kanilang koponan. Kahit saan team naman ay ganun ang kailangan na mangyari.

Hindi nga ba’t palaging ipinaaalala ng isang coach sa kanyang mga manlalaro ang kasabihan na “There is no letter ‘I’ in the word team!”

BARANGAY GINEBRA

BEVERAGE MASTERS

MAGNOLIA BEVERAGE MASTERS

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

TALK N TEXT

TANQUINGCEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with