Reyes, Bustamante, Pagulayan ‘di mapigilan
Patuloy sa pananalasa sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Alex “The Lion” Pagulayan sa 10th annual Derby City Classic ‘One Pocket’ division matapos ang kanilang sunud-sunod na panalo kahapon sa Executive West Hotel sa Louisville, Kentucky
Pinabagsak ni Reyes, ang 1999 Cardiff World Pool Champion na nagtatangka ng kanyang ikalimang sunod na one pocket title sina Dave Wagner at Bill Hendrixson sa second at third round, ayon sa pagkakasunod.
Pinatalsik naman ni former world no.1 Bustamante sina Charles Bryant at Peter Ghostine habang sinibak naman ni Pagulayan, ang 2004 Taiwan World Pool Champion na sina Harry Platis at Sid Barcelonto.
Dahil dito, malinis pa rin ang kartada ng tatlong top Pinoy cue artist ng bansa sa annual tournament na ito na may kabuuang papremyong $100,000.
Wala pa ring talo ang mga
Nanaig ang
Gamit ang kanyang Buy-In option sapul ng matalo sa opening round kay Robert Mc Cormick, nakabalik sa kontensiyon si Rodolfo “Boy Samson” Luat nang gibain sina David Gutierrez at Raymon Wilson ayon sa pagkakasunod.
Samantala, tinanggap ni Larry Price ang top purse $10,000 sa ‘9 ball bank’ event ng talunin si Sylver Ochoa sa finals para magkasya sa runner-up prize $5,000.
Ang pinakamaraming panalo sa tatlong division na 9-ball bank, One pocket at 9-ball division ang tatanghaling Master of the Table Bonus Champion kung saan si Reyes ang defending Master of the Table Champion.
- Latest
- Trending