Noosa Shoes may pa-tryout

Isang two-day tryout ang itinakda ng nagbabalik na Noosa Shoes, dating Blustar Detergent, para sa kanilang paghahanda sa 2008 PBL season.

Personal na pamamahalaan ni coach Leo Isaac ang nasabing tryout na sisimulan bukas sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.

Hangad ni team owner Dioceldo Sy na makabuo ng isang malakas na koponan kagaya noong 2004 kung saan nakasama ng Noosa sa semifinal round ng PBL ang Welcoat at Hapee.

Hindi pa nakakatikim ng korona ang Noosa sa loob ng anim na taon na paglahok sa naturang amateur league.

Ilang amateur at collegiate players ang pinupuntirya ni Isaac para sa komposisyon ng Noosa.

“There are a lot of talented players around, so I’m confident we can form a formidable unit,” wika ni Sy, dating PBL chairman. “Of course, we will also tap several veteran players to provide stability to the team.” (Russell Cadayona)

Show comments