Pagulayan, Bustamante, laban pa; Reyes talsik na
Patuloy ang pananalasa sa tumbukan nina Alex Pagulayan at Francisco “Django” Bustamante habang nakatikim naman ng panibagong kabiguan si Efren “Bata” Reyes matapos ang eight round ng 2007 Derby City Classic ‘ 9-ball Bank’ Division kahapon sa Executive West Hotel sa Louisville, Kentucky.
Tinalo ni Pagulayan si John Schmidt habang dinaig naman ni Bustamante si Jonathan Demet at natalo naman si Reyes kay Tony Fergerson. Tuluyan ng nasipa sa $100,000 annual series si Reyes na nauna ng natalo kay Brent Jackson sa fourth round. Isang beses lamang p’wedeng gamitin ang Buy Inn-option.
Kabilang sa mga naunang panalo ni Pagulayan ay kina Tiger Nail, Curtis Dehart, Shin Young Park at John Schmidt mula round 4 hanggang 7 habang umibabaw naman si Bustamante kay Michael Collins, Tiger Nail, Gerald Reichle at Jeremy Jones ayon sa pagkakasunod. Kung si Pagulayan ay wala pa ding talo, natamo naman ni Bustamante ang unang kabi-guan sa di-gaanong kilalang si Tom Spencer sa opening round pero gumamit ng Buy Inn option para makapaglaro muli.
Tuluyan nang nasipa sina Rodolfo Luat, Santos Sambajon at Jose “Amang” Parica ng yumuko sa kani-kanilang sultada.
Matapos yumuko sa second round kay Edward Ames, natamo ni Luat ang ika-2 pagkatalo sa kamay ni Tony Blankenship sa foruth round para mapatalsik sa event na pinatutupad ang single elimination format.
Magkasunod na natalo si Sambajon kina Mark Tadd at Shawn Putnam sa sixth at seventh round.
Habang sinorpresa ni Parica si dating world 9-ball champ Thorsten Hohman ng Germany sa fifth round pero yumuko kay Larry Nevel sa sixth round. Natalo din si Parica kay Mark Slyle Jr. sa fourth round.
- Latest
- Trending