^

PSN Palaro

Amonsot babalik na rin sa ring

-

Matapos ang halos limang buwan na pamamahinga, hangad pa rin ni Filipino lightweight Czar Amonsot na makabalik sa aksyon. 

Sinabi kahapon ni Filipino manager/promoter Michael Aldeguer na kasalukuyan nang naghahanda ang 22 anyos na si Amonsot para sa isang posibleng laban ngayong taon.

 “He seems very fine right now. He’s training in the (ALA Boxing) gym and he’s in good shape,” ani Aldeguer sa tubong Tagbilaran, Bohol.

 Matatandaang natalo si Amonsot via unanimous decision kay Australian Michael Katsidis para sa World Boxing Organization (WBO) lightweight belt noong Hulyo 21 ng 2007 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.

 Matapos ang naturang madugong sagupaan nila ni Katsidis, kaagad na isinugod si Amonsot sa Valley Medical Center sa Las Vegas kung saan siya sumailalim sa dalawang CT scan.

 Ayon sa Nevada State Athletic Commission, hindi na maaaring lumaban si Amonsot sa Nevada bunga ng kanyang natamong blood clot sa utak. 

 “We feel that he can comeback but it will depend on the MRI tests that he will have to undergo in order for him to fight again,” wika ni Aldeguer kay Amonsot. “He can fight elsewhere but not in Nevada or in some parts of the United States just like the case of Edwin Valero.”

 Matapos ang kabiguan kay Katsidis, bumaba ang win-loss-draw ring record ni Amonsot sa 18-3-1 (10 KOs). (Russell Cadayona)

ALDEGUER

AMONSOT

AUSTRALIAN MICHAEL KATSIDIS

CZAR AMONSOT

EDWIN VALERO

LAS VEGAS

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with